top of page
matalinhaga
Balarila
1. Ang paggamit ng 'nang' at 'ng'
-
Ginagamit ang 'nang' para makonekta ang pang-abay(adverb), at dalawang inuulit na pandiwa(verb). Ginagamit ito bilang pamalit sa "noong" at "para" o "upang.
halimbawa:
Mali: Natuwa ako NG makita ko sila.
Tama: Natuwa ako NANG nakita ko sila.
-
Ang 'ng' naman ay ginagamit para maipakita ang pag-aari o para matukoy ang isang bagay.
halimbawa:
Mali: Tulog NANG tulog
Tama: Tulog NG tulog
2. Paggamit ng "din" at "rin"
-
Ang "din" ay ginagamit kapag katinig ang makikita sa dulo ng huling salita.
-
Ang "rin" naman ay gagamitin kapag patinig ang makikita sa dulo ng huling salita.
halimbawa:
Mali: Tapos na din siyang kumain.
Tama: Tapos na rin siyang kumain
3. Paggamit ng "kung" at "kapag"
-
Ang "kung" ay ginagamit kapag hindi sigurado sa sinasabi
-
Ang "kapag" ay ginagamit kapag sigurado na ang tao sa kanyang sinasabi.
halimbawa:
Mali: Pumunta tayo dun kung umaga na.
Tama: Pumuna tayo doon kapag umaga na
Mali: Paano kapag mali ang sagot?
Tama: Paano kung mali ang sagot ko?
4. Sabihin ang isang aksyon na nangyari lang
-
Uulitin ang untang pantig ng salitang-ugat.
halimbawa:
Mali: Kakagising ko lang
Tama: Kagigising ko lang
5. Paggamit ng "bukod" at "liban"
​​
-
Ginagamit ang "bukod" kapag nagpapahiwatig ng bagay na iba o hindi kasama. (aside from)
-
Ginagamit ang "liban" kapag ang tinutukoy ay hindi kasama sa iba. Ginagamit ito kapag nagbibigay ng kundisyon. (except from)
halimbawa:
Mali: Bukod sa isa, lahat ay umalis na.
Tama: Liban sa isa, lahay ay umalis na.
Mali: Liban sa siya ay matangkad, mataba rin siya.
Tama: Bukod sa siya ay matangkad, mataba rin siya.
6. Paggamit ng "pang", "pan", at "pam"
​​
-
Ang pang ay ginagamit kapag ang unang letra ng salita ay A, E , I , O , U, G, H, K, M, N, NG, W, o Y.
halimbawa:
Pang-apat
Pangwalis
Pangwakas
-
Ang pan ay ginagamit kapag ang unang letra ng salita (o salitang-ugat) ay D, L, R, S, o T.
halimbawa:
Pandagdag
Pandaigdig
Panakip (takip)
-
Ang pam ay ginagamit kapag ang letra sa unahan ng salita (o salitang-ugat) ay B o P
halimbawa:
Pamalit (palit)
Pambahay
Pambati
7. Paggamit ng "sila" at "sina"/"nila" at "nina"
​​
-
Ang sila/ nila ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay dalawa o mas marami at hindi sasabihin ang pangalan.
-
Ang sina/nina ay ginagamit kapag ang tinutuko ay dalawa o mas marami at sinasama ang pangngalan.
halimbawa:
Nakita ko sila sa kwarto.
Nakita ko sina Karlo at Risa sa kwarto.
8. Paggamit ng "kibo" at "imik"
​​
-
Pagkilos ang tinutukoy ng kibo. Ngunit, ang paggamit nito ay hindi lamang para sa tao.
-
Pakikipagusap naman ang tinutukoy ng imik.
halimbawa:
Wala siyang kibo kapag natutulog.
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
9. Paggamit ng "habang" at "samantalang"
​​
-
Ginagamit ang habang ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan, o "mahaba."
-
Ang samantala ay ginagamit sa mga kalagayang mayroong taning, o "pansamantala."
halimbawa:
Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Kinakabahan siya samantalang malapit na ang kanyang pagtatanghal.
-
Tandaan: May iba pang gamit ang "samantala". Ginagamit ito a paghahambing ng pagkakaiba ng dalawang bagay, o pagtatambis ng dalawang kalagayan.
10. Paggamit ng "may" at "mayroon"
​​
-
Parehas lamang ang kahulugan ng mga ito.
-
Ngunit ang "may" ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri, o pang-abay. Ang "mayroon" ay ginagamit kapag sinusundan ng kataga, panghalip panao, o pamatlig o pang-abay na panlunan. Maaring gamitin ang "mayroon" na nag-iisa. Nagagamit din ito bilang pangngalan.
halimbawa:
Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
"May homework ka ba?" "Mayroon."
11. Paggamit ng "pa lang" at "palang"
​​
-
"pa lang" ay nangangahulugan "nag-iisa" o "only" sa Ingles.
-
"palang" ay "pala" at "na" na pinagsama. (pala = may gulat)
halimbawa:
Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
Mali palang sinunod ko siya.
Mali pala na sinunod ko siya.
12. Ang wastong gamit ng pinto, at pintuan
​​
-
Pinto - ginagamit kung ang tinukoy ay ang mismong konkretong bagay
-
Pintuan - ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar, o ang mismong lagusan o pasukan ng kinaroroonan ng pinto
-
halimbawa
Huwag mong sipain ang pinto.
Huwag mong iharang ang mga gamit sa may pintuan.
13. Ang wastong gamit ng pahirin, at pahiran
​​
-
Pahirin- ginagamit kung ang nais tanggalin, o alisin ang isang bagay
-
Pahiran- ginagamit kung ang nais ay lagyan ang isang bagay
-
halimbawa
Huwag mo nang pahirin ang natitirang langis ng makina.
Pahiran mo ng mantikilya ang tinapay.
bottom of page