matalinhaga
Tungkol sa Amin
Mabuhay! Alam niyo ba ang mga salitang Filipino tulad ng bato-balani, pang-ulong hatinig, o marilag? Alam niyo ba ang pagkakaiba ng harap sa harapan o ng sa nang? At kung kayo ay tatanungin, mas ginugusto niyo bang magsalita ng Ingles o Filipino? Ang ating pambansang wika na Filipino ay dapat bigyan natin ng lubus-lubusang pagpapahalaga dahil ito ang tawid upang tuluyang magkaisa ang ating bayan. Ngunit kahit na tayo'y may sariling wika, mas pinipili parin ng maraming Pilipino na magsalita ng ibang wika upang makasabay sa globalisasyon. Kaya kami naririto ngayon upang ipakita namin sa inyo ang kahalagahan at kagandahan ng wikang Filipino. Inihahandog namin sa inyo ang "MATALINHAGA!" Dito sa Matalinhaga, makikita ninyo ang balarila ng wikang Filipino, pagbaybay ng mga salita, at mga sakitang Filipino na posibleng ngayon niyo lang matutuklasan. At hindi lang iyan, makakikita rin kayo ng mga larawang nagpapakita ng ating pambansang wika at mga nagaganap sa buhay ng mga Pilipino. Makakabasa rin kayo ng aming komiks na pinapangalanang "Matalinhaga Kronikels" at makakakinig rin kayo ng musikang Pilipino o OPM galing sa "Matalinhagang OPM" sa spotify. Inaanyayaan namin kayo na sundan kami sa aming mga "social media accounts" sa Facebook (Matalinhaga), Twitter (@matalinhagaka), Instagram (matalinhagangpinoy), at Spotify (@matalinhagangopm).