top of page
matalinhaga
Mga Tulutuntunin
a. Sa pagsulat ng pagbaybay:
-
ang huling patinig na ( e ) sa mga sulating-ugat ay hindi na papalitan ng (i) kapag inuulit
halimbawa:
Berde >> Berdeng-berde Libre >> Libreng-Libre
-
gayundin ang salitang (o) kapag nasa hulihan ng salita, hindi ito pinapalitan ng (u)
halimbawa:
Sino >> Sino-sino Dulo >> Dulong-dulo
b. May mga matatagal na salita na ginagamit na natin at tinatanggap ang mga salitang ipinanumbas dito​
-
halimbawa:
Nars >> Nurse Keyk >> Cake
c. Sa pagbaybay ng mga salitang hiram sa Espanyol
-
na may (e), panatilihin ang (e) at baybayin ayon sa baybay-Filipino
halimbawa:
Estudiante = Estudyante Estructura = Estraktura
-
gayundin ang mga salitang may (o)
halimbawa:
Diccionario = Diksyonaryo Politica = Politika
d. Sa paguulit ng salitang may klaster, inuulit ang unang katinig patinig
-
halimbawa:
Planuhin = Planuhin = PAplanuhin/MagPAplano
Traysikel = Traysikel = MagTAtraysikel
-
Sa mga salitang hiram na karaniwa'y sa Ingles, ang inuulit ay ang tunog ng unang katinig patinig ng orihinal na baybay
halimbawa:
Brown = Brown = NagBAbrown Dribble = Dribble = MagDIdribble
e. Hindi dapat lagyan ng "mga" sa unahan ng mga salitang hiram na nasa anyong maramihan na. Ito ay dahil magiging 'redundant' na ang pahayag
-
halimbawa:
Hindi wasto ang mga sumusunod -
- 'Mga rules'
- "Mga pictures' -
gayundin ang mga salitang nasa anyong maramihan na
halimbawa:
- Kababaihan, hindi wastong sabihin "ang mga kababaihan"
f. Nilalagyan ng (i) sa unahan ang mga salitang hiram na nagsisimula sa (s) kapag binaybay na sa Filipino
-
halimbawa:
Sport >> isport Scout >> iskwat
g. Kapag binababaybay sa Filipino ang salitang hiram na may magkasunod na magkaparehong katinig, tinatanggal ang isa sa magkaparehong katinig.
-
halimbawa:
Immortal >> imortal Bulletin >> Buletin
h. Samantala sa mga salitang Espanyol na may kombinasyong mahina at malakas na patinig i + (a, e , o) at u + (a, e , i, o)
-
Ang 'i' ay pinapalitan ng 'y'
halimbawa:
Barberia >> Barberya Deciembre >> Disyembre
-
Ang 'u' naman ay napapalitan ng 'w'
halimbawa:
Visual >> Biswal Casual >> Kaswal
g. Ang tamang paggamit ng gitling (-)
-
Sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit na isang pantig ng salitang ugat.
Halimbawa:
Araw-araw dala-dalawa isa-isa sari-sarili
-
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
Mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
-
Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimabawa:
Pamatay ng insekto - pamatay-insekto
Kahoy sa gubat - kahoy-gubat
-
Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:
Maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa:
Mag-Johnson magjo-Johnson
Mag-Corona magko-Corona
-
Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Halimbawa:
ika-20 pahina ika-9 na buwan
-
Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
Halimbawa:
Isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
-
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Halimbawa:
Gloria Santos-Reyes Perlita Orosa-Banzon
-
Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya
Halimbawa:
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pag-
bigkas ng mga salita.
bottom of page